Messi Best Player

RIO DE JANEIRO – Tinanggap ni Lionel Messi ang award para sa Best Player ng World Cup, ilang minuto matapos mabigo ang kanyang koponang Argentina sa finals kontra sa Germany, 1-0.

Tinalo ni Messi para sa naturang award sina Tho-mas Mueller ng Germany at Netherlands forward Arjen Robben sa ginawang pagpili ng FIFA technical study group ng coaching analysts.

Si Manuel Neuer ng Germany ang napiling best goalkeeper. Si James Rodriguez ng Colombia ang nakakuha ng golden boot award bilang  top scorer sa kanyang anim na goals. Si Mueller ang pumangalawa sa kanyang limang goals. Ang best young player award ay napunta kay Paul Pogba ng France.

Show comments