Clippers ‘di ibebenta ni Sterling

LOS ANGELES -- Isinumpa ni Donald Sterling ang kanyang asawa, ang mga abogado nito at ang NBA sa pag-upo niya sa witness stand at sinabing hindi niya kailanman ibebenta ang Los Angeles Clippers.

Nangako rin si Sterling na hindi niya titigilan sa pagsasampa ng demanda ang NBA habang nabubuhay siya.

“Make no mistake today,’’ sigaw ni Sterling sa kanyang testimonya. “I will never, ever sell this team, and until I die I will be suing the NBA for this terrible violation under antitrust.’’

Show comments