MANILA, Philippines - Wala pang balak si Brian Viloria na isuko ang kanyang makulay na professional boxing career.
Kasalukuyang naghahanda ang dating Fil-American world boxing champion para sa kanyang non-title fight kay Jose Alfredo Zuniga ng Mexico sa Hulyo 19 sa The Venetian Resort sa Macau, China.
“I’m just getting myself in line for another title shot, whoever it may be,” sabi ni Viloria, dating nagkampeon sa flyweight at light flyweight divisions, sa panayam ng The Ring.
Hangad ng 32-anyos na si Viloria (33-4-0, 19 knockouts) ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa pagtapat kay Zuniga (11-5-1, 5 KOs) matapos maisuko ang kanyang unified flyweight title kay Juan Francisco Estrada noong 2013.
“I was trying to get a rematch with Estrada but his people told me they weren’t interested in fighting me right now so I’m looking for a possible fight going against (IBF flyweight titleholder Amnat Ruenroeng),” sabi ni Viloria. “There’s also talks about me going up against Zou Shiming, the Chinese gold medalist.”
Itatampok sa Top Rank-promoted card ang pagdedepensa ni RING/WBA/WBO junior featherweight champion Guillermo Rigondeaux laban kay Thai contender Sod Kokietgym bukod pa sa pakikipagharap ni two-time Olympic gold medalist Zou Shiming kay Luis De La Rosa.
Katulong ni Viloria sa kanyang training camp sa Wild Card Boxing Club ni trainer Freddie Roach si Filipino trainer Marvin Somodio.
“There’s a bunch of fights out there for me. I’m just putting my focus on getting past Zuniga and we’ll see what happens after that,” wika ni Viloria, kumatawan sa United States noong 2000 Olympic Games.