Diaw nakakuha sa Spurs ng $22.5M deal

MANILA, Philippines - Nakipag-ayos na si free-agent forward Boris Diaw ng three-year, $22.5 million contract para bu-malik sa defending NBA champion San Antonio Spurs, ayon sa sources ng Yahoo Sports.

Naging mahalagang bahagi ang 32-gulang na si Diaw sa pagkopo ng Spurs ng titulo kaya bahagi siya ng plano ng management na  lumaban para sa ikaanim na titulo.

Ang deal ni Diaw ay  partially guaranteed, ayon sa mga source. Si Diaw ay may guaranteed $15.5 million sa unang dalawang taon ng kanyang  two year deal, sabi ng source.

 

Show comments