Clippers, Farmar nagkasundo na

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo na ang Los Angeles Clippers  kay free-agent point guard Jordan Farmar sa two-year, $4.2 million contract, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Kinuha ng Clippers si Farmar para pumalit na back-up point guard ni Chris Paul matapos pumayag si Darren Collison na pumirma ng kontrata sa Sacramento Kings.

Ang Los Angeles native na si Farmar, nag-ave-rage ng 10.1 points at 4.9 assists na may 43.8 percent shooting sa triple area para sa LA Lakers, ay may player option sa ikalawang taon ng  bago niyang deal.

Show comments