Cignal pinayukod ang Systema

CEBU, Philippines -- Namayani si Cebuano hotshot Mike Abria sa fourth set para igi­ya ang Cignal sa 21-25, 25-19, 25-23, 25-23 panalo laban sa Systema sa 2014 PLDT Home-Phi­lippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference vol­leyball tournament kahapon dito sa University of San Carlos gym.

Nagposte si Abria ng 11 points para sa ikaapat na panalo ng HD Spi­kers sa anim na asignatu­ra sa men’s division ng in­ter-club tournament na su­portado ng official airline na AirAsia katuwang ang Gilligan’s Restaurant, Healthway Medical, PLDT Home DSL, Cignal, Solar Sports, Mikasa, Asics, Mueller, LGR, Petron, Bench at Generika.

Humataw naman si Ho­ward Mojica ng 15 kills para sa kanyang 18 points, habang nagdagdag sina Edmar Sanchez at Jay Dela Cruz ng 12 at 10 markers sa Cignal.

 

Show comments