Lowry pumirma uli ng kontrata sa Raptors

TORONTO – Mananatili si Kyle Lowry sa Toronto Raptors matapos niya itong ihatid sa Atlantic Division title.

Nakipagkasundo ang point guard na pumirma uli sa Raptors, ayon sa kanyang agent nitong Miyerkules ng gabi. Iniulat ng Yahoo Sports na ang deal ay 4-years na nagkakahalaga ng $48 million.

Nag-post si Lowry ng kanyang picture sa Twitter na nakasuot ng Raptor jersey at nakalagay na ang Toronto ang kanyang magiging ‘home city.’

 

Show comments