Magic nagpaluwag ng Salary Cap

ORLANDO, Fla. – Nawala na ang huling koneksiyon ng  Orlando Magic sa kanilang dating paghahari.

Ini-waive ng Magic si Jameer Nelson nitong Lunes sa pakikipaghiwalay sa kanilang matagal nang player para makapagpaluwag ng salary cap space bilang preparasyon sa kanilang future.

Ang pag-alis ni Nelson ay nangyari, ilang araw lamang bago magkautang sa kanya ang team ng $8 million para sa final year ng kanyang three-year contract.

Sa pagwe-waive kay Nelson bago mag-July 16, $2 milyon na lang ang utang sa kanya ng Orlando bilang guaranteed money.

Show comments