GM So tumapos bilang runner-up

MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino GM Wesley So si Canadian FIDE Master Dan Hassael gamit ang Gruenfeld Defense para malagay sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng 9th Edmonton International sa Edmonton, Alberta, Canada kahapon.

Nanalo si So matapos ang 24 sulungan para tapusin ang kompetisyon bitbit ang 7.5 puntos. Kinapos siya ng kalahating puntos sa nagkampeon na si Ukraine GM Vassily Ivanchuk sa walong puntos.

Tinalo ng dating World Challenger na si Ivanchuk si US GM Samuel Shankland sa 35 moves ng King’s Indian Attack.

Sa kabuuan ng siyam na rounds, si So ay nagtala ng anim na puntos at tatlong draw. Ininda ng 20-anyos na GM ang pagkatabla sa eight round laban kay US GM Irina Krush na sinabayan ng pagkapanalo ni Ivanchuk kay Canadian IM Richard Wang.

 

Show comments