Asik ibinigay ng Rockets sa Pelicans

MANILA, Philippines - Pumayag na ang Houston Rockets na i-trade si center Omer Asik sa New Orleans Pelicans kapalit ng future first-round draft pick, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Para sa Rockets, unang hakbang ito para mapaluwag ang salary-cap space para sa kanilang hangaring makuha si LeBron James o si Carmelo Anthony mula sa free agency. Kailangan ding ipamigay ng Houston si Jeremy Lin para kumasya ang ikatlong maximum contract player sa roster. Sina Dwight Howard at James Harden ay may max contracts sa Rockets.

 

Show comments