NBA top draft prospect nagka-injury pa

MANILA, Philippines - Nag-iisip ngayon si Joel Embiid kung pang-ilan siya na makukuha sa NBA draft sa Huwebes ng gabi.

Hinihintay niya kung kailan siya muling makakatapak sa basketball court at naghihintay siya kung paano niya malalampasan ang injury na may kasaysayan sa pagbibigay ng problema sa mga NBA big men.

Ang Kansas center, na inaasahang makukuha sana bilang No. 1 overall ng Cleveland Cavaliers, ay pinasukan ng dalawang turnilyo sa navicular bone sa kanyang kanang paa sa Southern California Orthopedic Institute, ayon sa isang press release na inilabas ni agent Arn Tellem.

“The surgery went very well and I’m confident that after appropriate healing he will be able to return to NBA basketball,’’ sabi ni Dr. Richard Ferkel na siyang nag-opera kay Embiid. “Joel tolerated the surgery without difficulty and will begin his rehabilitation in the near future.’’

Ito ang injury na na-ging problema ni Houston Rockets center Yao Ming na nauwi sa kanyang pagreretiro kaya imposib-leng kaagad makakaba-ngon si Embiid.

Si Bill Walton ay pinahirapan din ng naturang injury, ngunit ito ay higit sa 30 taon na ang nakararaan, habang nalampasan naman ni Zydrunas Ilgauskas ang kanyang nabaling navicular bone at natapos ng maganda ang kanyang NBA career.

Hindi pa masabi kung hanggang kailan ipapa-hinga ni Embiid ang kanyang injury. Mula siyam na buwan hanggang sa full season ang sinasabing itatagal ng rehabilitation process ni Embiid.

Dahil dito, ang mga pangalan nina Kansas guard Andrew Wiggins at Duke forward Jabari Parker ang isinunod sa pangalan ni Embiid na unang mahuhugot sa draft kasama si Australian point guard Dante Exum.

 

Show comments