Jordan bilyonaryo na - Forbes Magazine

CHARLOTTE, N.C. -- Narating na ni NBA legend Michael Jordan ang billionaire status.

Inihayag ng Forbes Magazine na ang equity ni Jordan bilang team owner ng Charlotte Hornets ay uma­bot sa $416 milyon at ang kanyang net worth sa labas ng koponan ay $600 milyon.

Naiulat na si Jordan ay nagmamay-ari ng 89.5 por­si­yento ng Hornets.

Kinumpirma ng spokeswoman ni Jordan na si Estee Portnoy na bumili si Jordan ng additional stake sa Hor­nets noong Enero ng 2013.

Ngunit hindi nito sinabi kung magkano.

Wala ring komento si Portnoy kung si Jordan ay isa nang bilyonaryo.

Isang six-time NBA champion player, sumikat ang 51-anyos na si Jordan sa basketball court na nagresulta sa kanyang mga endorsements at pelikula.

Show comments