PHL taekwondo jins kumopo ng 2-medalya

MANILA, Philippines - Kumubra ng medalya ang dalawang international medalists para sa Philippines-SMART taekwondo team sa katatapos na 21st Asian taekwondo Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Dinuplika ni Christian Al Dela Cruz ang kanyang matagumpay na kampan-ya sa nakaraang 27th Southeast Asian Games sa Myanmar noong 2013 nang kumuha ng silver medal, habang nakuntento naman sa bronze medal si Mary Anjelay Pelaez, ang gold winner sa 11th Asean Taekwondo Federation at silver medalist sa Asian University championships.

Noong nakaraang taon ay nag-uwi si Pelaez ng gold medal sa Asean event at isang silver sa Asian University championships, samantalang kumuha naman si Dela Cruz ng bronze sa 27th SEA Games.

Naging maganda ang ipinakita ng buong PH-SMART squad kontra sa 31 pang bansang lumahok sa torneo katulad ng Korea, Iran, Chinese Taipei, Japan, Thailand, Jordan, Indonesia, Qatar, Vietnam, Saudi Arabia, Singapore, Malaysia at China.

Pinaghahandaan ng national team ang dara-ting na 17th Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Ang naturang kampan-ya ng mga Filipino fighters sa Uzbekistan ay pinuri ng kanilang mga sponsors na SMART, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at Philippine Sports Commission.

 

Show comments