MIAMI -- Ang huling pagkakataon na naglaro si Dwyane Wade sa isang NBA Finals ay nangailangang tanggalan siya ng tubig sa kanyang kaliwang tuhod at walong oras na game-day therapy bago siya makapagsuot ng uniform.
Inilarawan ito ng Miami Heat guard sa isang salita.
“Hell,’’ sabi ni Wade.
Nagtala si Wade ng 23 points, 10 rebounds at inangkin ang kanyang pa-ngatlong Larry O’Brien Trophy.
Ngayon, kumpara noong nakaraang taon, si Wade ay walang mga injuries bago ang finals rematch ng Miami laban sa San Antonio Spurs.
Sa edad na 32-anyos at may 866 NBA games sa kanyang playing odo-meter, patuloy pa ring humaharap si Wade sa mga sakit ng katawan, maganda at masamang laro at may standing appointment sa Heat training room.
Ngunit kumpara sa nakaraang NBA Finals, ang kanyang mga tuhod ay ma-galing na.
“He’s a big-time, huge piece to our puzzle,’’ sabi ni four-time NBA MVP at Heat star LeBron James. “To have him out there in the groove that he’s in right now, it’s going to help us.’’
Hangad ng Heat ang kanyang pa-ngatlong sunod na titulo at si Wade ay malapit nang mapasama sa listahan ng mga all-time NBA greats.
May pitong players lamang na may apat na NBA championships at may isang NBA Finals MVP award.
Ang mga ito ay sina Kareem Abdul-Jabbar, John Havlicek, Magic Johnson, Shaquille O’Neal, Kobe Bryant, Michael Jordan at Tim Duncan.
Si Wade ay maaaring maging pang-walo sa grupo.
“We just want to continue to add to what we’re accomplishing,’’ ani Wade.
Sa kanyang unang 14 games sa 2013 playoffs, si Wade ay nagtala ng average na 13.6 points.