MANILA, Philippines - Bilang governing body ng No. 1 sports sa bansa, dapat lamang na magkaroon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng isang kapaki-pakinabang na website sa pagpasok nito sa mundo ng cyberspace.
Kasabay ng pagdaraos ng apat na pangunahing international tournaments sa susunod na apat na buwan, maglulunsad ang SBP ng sarili nitong website katuwang ang grupo na gumagawa ng live stats sa FIBA website.
“We wanted a website that’s something meaningful and interactive dahil alam naman natin na number one ang basketball sa Pilipinas,†sabi ni SBP executive director Sonny Barrios sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Shakey’s Malate kasama sina Nick Maywald Sporting Pulse, PBA head of statistician Fidel Mangonon III at SBP legal counsel Aga Francisco.
Sinabi ni Barrios na ang bagong SBP website ay sakto para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA-World Cup sa Spain sa Agosto.
Bago ito ay sasabak muna ang national team sa FIBA-Asia Cup sa Wuhan, China sa Hulyo 11-19 kasunod ang paglahok ng SBP sa Asia Pacific 3-on-3, ang Youth Olympic Games at ang FIBA-Asia U18 Championship.
“Target ng SBP na lahat ng liga sa basketball ay masama sa website,†wika ni Barrios, ang dating PBA commissioner, sa sesyon na inihahandog ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Accel at Shakey’s.