PCSO Silver Cup itatampok sa Makati Racing Festival ngayon

MANILA, Philippines - Pasasayahin ang pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon sa pagselebra ng ika-344th anibersaryo ng Siyudad ng Makati City.

Bukod sa pagtakbo sa tampok na karera na PCSO Silver Cup, ang 12 iba pang karera na paglalabanan sa maghapon ay kabilang sa Araw ng Makati Racing Fes­tival.

Magpapatingkad sa selebrasyon ay ang paglarga ng Mayor Jejomar Erwin S. Binay Jr. Cup na sinahu­gan ng P300,000.00 kabuuang gantimpala ng nagta­taguyod na Philippine Racing Commission.

Mga edad tatlong taon kabayo ang nagpatala sa ka­rera at ang mananalo ay magbibitbit ng P180,000.00 bilang unang gantimpala.

Ang mga kasali ay ang Hello Kaetee (C.V. Garganta), coupled entries Australian Lady (V. Dilema) at The Lady Wins (P. Dilema), Kukurukuku Paloma (J.F. Paroginog), Lady Leisure (J.D. Juco), Director’s Play (L.D. Balboa), Good Connection (M.A. Alvarez), River Mist (J.T. Zarate) at Wo Wo Duck (J.B. Bacaycay).

Ipinalalagay na pabo­rito ang Wo Wo Duck at Lady Leisure dahil tumapos ang mga kabayong ito sa pangalawang puwesto sa huli nilang takbo.

Ang papangalawa ay tatanggap ng P67,500.00, ang papangatlo ay may P37,500.00, habang ang pa­pang-apat ay may P15,000.00 premyo.

Ang kikitain ng karerang ito ay ibibigay sa Ser­bisyong Tunay Foun­da­tion.

May siyam na ka­rera ang nilagyan ng P150,000.00 added prize sa mananalong ka­bayo, habang ang da­lawang karera ay may P140,000.00 dagdag na prem­yo.

 

Show comments