OKLAHOMA CITY -- Naranasan na ng San Antonio Spurs ang isang bangungot.
Noong 2012 ay kinuha ng Spurs ang 2-0 abante sa kanilang Western Conference finals ng Oklahoma City Thunder bago natalo ng apat na sunod na nagpatalsik sa kanila sa playoffs.
Ngayong season, kumamada ang Spurs sa West finals kung saan nila dinomina ang Oklahoma City sa Games One at Two hanggang makatabla ang Thunder sa pagbabalik ni Serge Ibaka mula sa isang left calf strain.
Sa pagkakaroon ng kumpiyansa at lakas, dalawang beses na tinalo ng Oklahoma City ang San Antonio sa Games 3 at 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang serye. At tila bumabalik ang nasabing bangungot sa Spurs.
Ang Game 5 ay gagawin sa San Antonio nitong Huwebes at kung muli silang matatalo ay bibiyahe sila sa Oklahoma City sa Sabado kung saan posibleng maulit ang kanilang kinatatakutan.
“Reminding people about what happened in the past helps in some way, but we have to go out there and execute and do things,’’ sabi ni Spurs forward Tim Duncan.
Bagama’t nabaon sa 0-2 sa serye ay hindi naman nawala ang pag-asa para sa Thunder.
“We can’t think about the past,’’ ani forward Kevin Durant. “We have to focus on right now. This team (San Antonio) is well-coached and has a great group of guys. They’ll make it tough. We have to worry about getting better and having our focus and energy on every single play.’’
Para manalo ay kailangang pantayan nina Duncan, Manu Ginobili, Tony Parker at ng Spurs ang intensidad ng mas bata nilang kalaban.
Ang 25-anyos na si Russell Westbrook ay nagtala ng 40 points, 10 assists at 5 steals sa Game 4.