MANILA, Philippines - Aminado si WBA at IBO featherweight champion Simpiwe Vetyeka na hindi magiging madali ang pagdedepensa niya ng kanyang mga korona kay Nonito Donaire Jr..
Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin ang South African na magagawa niya ang kanyang trabaho sa pagsagupa kay Donaire sa Sabado sa Cotai Arena ng the Venetian Resort sa Macau.
Sa panayam ni Anson Wainwright ng ringtv.com, sinabi ni Vetyeka na inaasahan niyang magi-ging mabigat ang kanyang laban kay Donaire, isang dating champion sa flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions.
“It is going to be a tough fight. With Donaire, the former Ring (magazine) and multi-division world champion, it is always going to be tough,†wika ni Vetyeka.
“But I am ready to defend my titles and be re-cognized as the best in the world,†dagdag pa nito.
Nagmula ang South African sa malaking panalo matapos talunin si Chris John, napuwersang sumuko sa laban sa sixth round ng kanilang title fight noong Disyembre ng 2013.
Laban kay Donaire, inaasahang sasakyan ni Vetyeka ang naturang tagumpay kay John para patuloy na pagharian ang WBA at IBO featherweight division.
At hindi na siya makapaghintay sa gabi ng kanilang upakan ni Donaire.