MANILA, Philippines - Ipinalasap ng nagdedepensang San Mig Coffee ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Meralco matapos kunin ang 108-90 panalo sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nag-init sa third period ang Mixers mula sa six-point lead, 52-46, sa first half para ibaon ang Bolts sa 60-48 sa 6:51 ng third quarter.
“It was a little bit frustrating in the first half. We didn’t have rhythm,†sabi ni coach Tim Cone. “First sign of fatigue and tiredness is being pikon. We get a little pikon when fatigue sets in.â€
Maski ang muling pagparada ng Meralco kay da-ting import Mario West bilang kapalit ni Terrence Williams ay hindi nakatulong sa kanila.
Matapos isara ang nasabing yugto ay inilista ng San Mig Coffee ang pinakamalaking 22-point advantage, 100-78 sa huling 3:39 minuto ng final canto para makabangon sa nauna nilang kabiguan.
At mula dito ay hindi na nakalapit ang Bolts.
Bago ito ay natawagan si Marc Pingris ng Flagrant Foul Penalty 2 na nagresulta sa kanyang pagkakatalsik sa laro matapos suntukin sa likod si James Sena na naunang bumangga sa kanyang bodega sa 3:15 ng second period.
Samantala, maghaharap naman ang San Miguel Beer at ang Barako Bull ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng Talk ‘N Text at Rain or Shine sa alas-8 ng gabi sa Biñan Sports Coliseum sa Laguna.