Pipirma o hindi?

Ang worry ngayon ng Samahang Basketbol ng Pi-lipinas ay kung aabot ba si Andray blatche, ang player mula sa Brooklyn Nets sa NBA, sa Asian Games.

Pasado na ang Senate Bill na nagkaloob ng Filipino Citizenship kay Blatche sa third reading kahapon  sa Senado.

May isa pang kailangang daanan ito upang ganap na maging batas.

Diretso ang bill sa Malakanyang para sa final approval ng Pangulong Aquino.

Kung pipirmahan agad  ito ng Presidente, may panahon pa si Blatche para kumuha ng passport at umabot sa May 30 deadline na pagsusumit ng final roster sa Asian Games sa Incheon.

Ang tanong ay kung pipirmahan nga ito agad ng Presidente.

Matatandaang sa kaso ni Marcus Douthit, ang unang naturalized player ng Gilas,  hindi ito pinir-mahan noong 2011 ni Pangulong Aquino.

Awtomatikong naging batas ito makalipas ang 30-araw sapul nang maipasa ito sa Senado.

Kung hindi rin pipirmahan agad ng president ang bill, hindi na aabot si Blatche.

***

Isa sa naka-delay sa naturalization ni Blatche sa Senado ay ang pagpo-postphone  sa pagdinig sa bill sa kahilingan ni Sen. Jinggoy Estrada.

Sabi ng Senador, hindi sa ayaw niyang suportahan ang gilas, ngunit kailangan niyang siguruhin na may commitment si Blatche.

Na talagang bukal sa kanyang kalooban ang pag-lalaro para sa Pinas.

Nagpadala naman ng sinumpaang salaysay si Blatche na nagsasaad na seryoso siya sa paglalaro para sa Pinas.

***

Kung aabot si Blatche o hindi, wala tayong magagawa sa ngayon kung hindi maghintay.

Show comments