Rodriguez, Ramas nagreyna sa PNG beach volleyball

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang pag­biyahe ng mga Cebu­a­na beach volley pla­yers na sina Flormel Rod­riquez at Therese Ramas nang kilalanin sila bilang kampeon sa women’s division sa 2014 Philippine National Games kahapon.

Ang bagong gawang sand court sa loob ng Ri­zal Memorial Tennis Center ang lugar na pinagdausan ng kompetisyon at naipakita nina Rodriquez at Ramas, parehong 17-anyos at mag-aaral ng Southwestern University, ang angking husay nang ku­nin ang 21-10, 21-12, straight sets win kontra sa tambalan nina CherryAnn Rondina at Rica Jane Ri­vera ng UST.

Ito ang unang pagka­kataon na naglaro ang da­lawa sa kompetisyong inor­ganisa ng Philippine Sports Commission at may ayuda ng Summit Na­tural Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo, Stan­dard Insurance, SM Ma­rikina at PLDT-My DSL at nagawa nilang ma­panatili sa Cebu ang wo­men’s division title sa ikalawang sunod na taon.

Noong nakaraang ta­on ay sina Jusabelle Bril­lo at Apple Saraum ang nagkampeon.

Bago ang PNG ay nag­domina muna sina Rod­riguez at Ramas sa Na­tional PRISAA at tu­ma­pos ang tambalan sa pa­ngatlong puwesto sa 2014 Nestea Beach Volley Finals.

Hindi naman nabokya ang UST dahil ang men’s team na sina Kris Roy Guzman at Mark Gil Al­fa­tara ay bumangon mula sa pagkatalo sa first set para daigin sina Aga Tahiluddin at Halim Khan ng ARMM, 21-23, 26-24, 15-8, patungo sa titulo.

Umabot sa 22 men at 15 women teams ang su­mali sa PNG beach volley.

 

Show comments