George lalaro sa Game 3

MIAMI -- Maglalaro si Paul George ng India­na Pacers sa Game 3 ng Eastern Conference finals na hindi naman ikinagulat ng Miami Heat.

Inihayag ng Pacers na pinayagan na si George “to return to normal basketball activity” tatlong araw matapos niyang ma­kabangga si Dwyane Wade ng Miami sa Game 2.

“Barring any unforeseen complications, he will play,” pahayag ng Pa­cers.

Ang Heat naman ang gagawa ng desisyon sa ka­nilang line-up.

Maaari nilang ipasok si center Greg Oden - ang hu­ling postseason appea­rance ay noong Abril 30, 2009 - sa Miami rotation ma­tapos niyang patuna­yan na wala na siyang prob­lema sa likod.

Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra na maaari niyang bigyan ng playing time si Oden para pahirapan si Indiana center Roy Hibbert.

“If coach needs me, I’m ready to play,” wika ni Oden. “I’m definitely ready whenever he needs me.”

Nakatabla ang Heat sa Pacers sa Game Two mula sa kanilang 87-83 panalo para makuha ang home-court advantage.

Ang ulo ni George ay nabangga ng tuhod ni Wade sa kanilang pag-aagawan sa loose ball sa fourth quarter ng Game Two.

Nanatili si George sa la­ro ngunit walang naibigay na kontribusyon sa Pa­cers.

“I probably should have kept that to myself,” sabi ni George. “It just made a mess. That’s something that, going for­ward, just keep that bet­ween myself and the trai­ning staff.”

Inasahan naman ng Heat na maglalaro si George sa Game 3.

Sinabi ni Wade na gus­to niyang makitang nag­lalaro si George dahil nais niyang makalaban ang pi­nakamahusay na pla­yer ng Indiana.

 

Show comments