Matunog ngayon ang ikalimang paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Ito ay matapos ang panalo ni Marquez kay Mike Alvarado noong linggo.
Balikan natin ang mga pangyayari sa kanilang unang apat na sagupaan.
May 8th, 2004 - Sinorpresa ni Pacquiao si Marquez nang tatlong beses niya itong pabagsakin sa opening round ngunit hindi niya nagawang talu-nin ang Mexican boxer nang mauwi sa draw ang kanilang labanan.
March 15th, 2008 - Matapos ang apat na taon pa sa ilalim ni trainer Freddie Roach, muling hinarap ni Pacquiao si Marquez. Bagama’t ipinamalas ni Marquez ang kanyang pinakamagandang counter-fighting, mas nangibabaw ang performance ni Pacquiao na siyang nanalo via split decision.
November 11th, 2011 - Muling hinarap ni Marquez si Pacquiao, sa pagkakataong ito ay sa welterweight. Galing si Pacquiao sa panalo kay Miguel Cotto habang si Marquez ay sariwa sa dalawang knockouts. Nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng majority decision ngunit marami ang nagsasabi na si Marquez ang totoong nanalo.
December 8th, 2012 - Sa ikaapat na paghaharap nina Pacquiao at Marquez, nagawang pabagsakin ng Mexicano ang Pinoy boxing hero.
Unang bumagsak si Pacquiao sa kanyang overhand right sa third round. Bumawi si Pacquiao at pinadugo niya ang ilong ni Marquez.
Ngunit tinamaan si Pacquiao ng malakas na kanan ni Marquez sa ikaanim na round para malasap nito ang kanyang unang knockout loss sapul noong 1999.