MANILA, Philippines - Naipakita ng mga datihang national players na sina Narcisa Atienza, Rosie Villarito at Katherine Santos na sila pa rin ang reyna sa kanilang mga events sa pagÂsisimula ng athletics event ng 2014 Philippine NaÂtional Games (PNG) kahapon sa Philsports Track Oval sa Pasig City.
Naalpasan ni Atienza ang bar sa 1.70 metro paÂra taÂlunin sina Joeann Bermudo ng Philippine Air Force-A (1.60m) at Charrie Catanan ng PLDT (1.58m).
Ang 2009 Laos SEA Games gold medalist sa jaÂvelin throw na si Villarito ay nakapagtala ng pinakamalayong tapon sa 48.55m para sa gintong medalya.
Malayong pumangalawa si Evalyn Palabrica ng PAF-A na may 39.66m, habang si Jenelyn Arle ng UP ang pumangatlo sa kanyang 38.11m marka.
“Masaya ako dahil naabot ko ang bronze medal mark sa Myanmar SEA Games na 48.34m at puwedeng tumaas ang allowance na tinatanggap ko ngayon sa PSC na P8,000.00 dahil non-medalist ako. Pero nalulungkot din ako dahil wala pa rin nakikitang makakapalit ko,†wika ni Villarito.
Si Santos, isang bronze medalist sa 2011 Indonesia SEA Games sa long jump, ay nakalundag ng 5.87m.
Mababa ito sa kanyang 6.25m marka sa Indonesia pero sapat para ungusan sina national pool members Felyn Dolloso ng DLSU-Dasmariñas at Singaporean jumper Jannah Nurul na may 5.39m at 5.13m marka.
Ang kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC) at mga National Sports AsÂsociations (NSAs) ay bukas sa lahat ng atleta para masukat kung tunay na pinakamahuhusay ang mga nasa national team na sinusuportahan ng PSC.
Humataw na rin ang aksyon sa iba pang sports sa 2014 PNG na suportado ng Summit Natural Drinking Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo at Standard Insurance. (ATan)