Okay lang kay Rivers na magmulta ng $25K

LOS ANGELES -- Naniniwala si Clippers coach Doc Rivers na ang multang $25,000 sa kanya dahil sa pagkondenda sa mga opisyales ay hindi niya magi-ging problema.

Dalawang tao sa front-office staff ng Clippers ay nagboluntaryong tutulungan si Rivers para mabayaran ito.

Lubos na tinuligsa ni Rivers ang mga opisyales sa 104-105 kabiguan ng Los Angeles Clippers kontra sa Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng kanilang second-round playoff series noong Martes.

“My assistant, Ann Marie, got two calls from employees downtown that wanted to do a payroll deduct of $100 each to help me pay for the fine, which we obviously denied,’’ sabi ni Rivers.

Hindi pa rin binabago ni Rivers ang kanyang opinyon hinggil sa nasabing last-minute call na nagpainit sa pagbabalik ng Thunder mula sa 13-point deficit sa huling 3:53 minuto sa Game 5.

Show comments