MANILA, Philippines - Hindi pinakawalan ng FEU Lady Tamaraws ang oportunidad na makalaro sa championship round sa Shakey’s V-League nang daigin ang hamon ng Adamson Lady Falcons, 25-22, 25-22, 22-25, 25-22, sa knockout game sa Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 20 kills tungo sa 26 puntos si Rachelle Ann Daquis pero malaking tulong ang 10 puntos, tatlo rito ay sa block, na ibinigay ni Geneveve Casugod upang makumpleto ng Lady Tamaraws ang pagbangon mula sa pagkatalo sa Game One sa best-of-three semis series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Si Bernadette Pons ay mayroong 15 puntos, tampok ang 13 kills habang si Jovelyn Gonzaga at Mary Joy Palma ay tumapos ng tig-12 puntos.
May apat na blocks pa si Palma para bigyan ng 12-6 bentahe sa departamento ang FEU upang balewalain ang 58-tabla sa attacks.
Malaking bagay din ang impresibong pagla-laro ng setter na si Yna Louise Papa na mayroong 43 excellent sets habang ang libero na si Christine Agno at Pons ay may 18 at 11 digs para tulungan ang FEU sa 55-43 bentahe.
“Magpapasalamat ako dahil ibinigay ng mga players ang lahat ng kanilang makakaya. Sala-mat din kay God dahil siya ang tunay na gumabay sa amin mula sa simula,†wika ni FEU coach Cesael Delos Santos.
May 18 puntos si Shiela Pineda habang sina Patcharee Sangmuang, Mylene Paat at Pau Soriano ay naghatid ng 17, 13 at 10 puntos pero kumurap ang Lady Falcons kapag ang mahahalagang puntos ang pinaglalabanan.
Ininda uli ng Lady Falcons ang mahinang panimula habang pinasiklab ni Daquis ang ma-lakas na pag-arangkada ng Lady Tamaraws tungo sa 2-0 kalamangan.
Tila nanumbalik ang laro ng Adamson nang kunin ang third set at malakas ang laban na maitabla ang laro matapos hawakan ang 20-19 kalamangan. Pero nagtala ng mga errors ang Lady Falcons para lumayo ang FEU sa 23-20.