Castro Best Player of thE conference

MANILA, Philippines - Hinirang sina Jayson Castro at Richard Howell bilang Best Player of the Conference at Best Import, ayon sa pagkakasunod, kagabi bago magsimula ang Game Three ng kanilang best-of-five championship series ng San Mig Coffee.

Humakot ang 5-foot-11 na si Castro ng 1163 points para ungusan ang kakamping sina Ranidel De Ocampo (831) at si Asi Taulava (552) ng Air21 at angkinin ang kanyang ikalawang BPC trophy.

Si Castro ang hinirang na BPC noong 2013 PBA Philippine Cup na pinagharian ng Tropang Texters.

Kumolekta naman ang 6-foot-8 na si Howell ng 1352 para sikwatin ang Best Import award laban kina James Mays (952) ng San Mig Coffee, Wayne Chism (595) ng Rain or Shine at Wesley Witherspoon (503) ng Air21.

Show comments