MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Adamson Lady Falcons na malagay pa sa pelig-ro ang paghahabol ng puwesto sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference nang pataubin ang UST Lady Tigresses, 25-18, 25-23, 25-27, 25-22, sa pagtatapos kahapon ng quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.
Nakitaan ng lakas ng loob ang mga kamador ng Lady Falcons sa pa-ngunguna ng Thai import Patcharee Sangmuang upang pigilan ang tangkang pagbangon ng Tigresses at wakasan ang kampanya sa yugto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bitbit ang 2-1 karta.
Bunga ng pangyayari ay tuluyan nang namahi-nga ang UAAP champion na Ateneo Lady Eagles at ang nagpasikat na bagong koponan na Davao Lady Agilas na umasang mana-nalo ang UST para magkaroon ng playoff sa ikalawa at huling upuan patungong Final Four sa Group 1.
Nagsalo sa unang puwesto ang Adamson at UST pero ang una ang kumuha sa number one seeding at siyang makakalaro ng FEU Tamaraws na pumangalawa sa Group II sa 2-1 karta sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Kinumpleto ng nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs ang 3-0 sweep sa Group B sa kinuhang 25-11, 25-14, 25-17, panalo sa St. Benilde Lady Blazers sa unang laro.
Si Jaja Santiago ay mayroong 18 puntos, kasama ang 10 kills habang sina Myla Pablo at Aiko Urdas ay naghatid ng 11 at 10 puntos para ibigay sa NU ang 3-0 karta.
Ang sweep ay makakatulong para tumaas pa ang morale ng Lady Bulldogs sa pagharap sa Lady Tigresses sa best-of-three semifinals na sisimulan sa Linggo.