MANILA, Philippines - Mahusay na ginamit ni KE Malapira ang pagitan ng dalawang nauunang kabayo para kunin ng Rock Star ang panalo sa class division two race noÂong Miyerkules ng gaÂbi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Dehado ang nanalong tambalan dahil hindi tumimbang ang Rock Star sa huling mga takbo nito at ang panggugulat ay nagÂhatid pa ng suwerte sa isang mananaya na lumabas na milyonaryo sa paÂngÂalawang gabi ng pista sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Tila ang napaborang Silver Groom at Witness In Manila ang siyang magÂtutuos sa karerang iniÂlagay sa 1,400-metro disÂtansya dahil angat na ang dalawang kabayo sa pagÂpasok ng rekta.
Pero ang nasa ikatlong puwesto na Rock Star ay maÂhusay na nailusot ni MaÂlapira sa gitna ng daÂlaÂwang nag-uunahang kaÂbayo upang tuluyang maÂkuha ang hindi inaasahang paÂnaÂlo sa karera.
Naipakita ng panalo ng tambalan na hindi pa daÂpat na bumaba ng diÂbisÂyon ang Rock Star na daÂti ay kumakampanya sa class division 3.
Nagpasok ng P784.00 ang win pero mas kumaÂbig ang mga nanalig sa husay ng mga dehaÂdong kabayo na nagÂlaban sa forecast dahil ang 4-10 kumbinasyon ay nagpamahagi pa ng P50,560.00 dibidendo.
Hindi lamang ito ang naging biyaya sa mga naniwala sa husay ng Rock Star dahil isang mapalad na mananaya na naisama sa kanyang tinayaan sa Winner Take All ang piÂnalad na naiuwi ang P2,801,051.40 dibidendo muÂla sa lumabas na kombinasyon na 13-(9,10)-5-4-7-9-6.