Lady Agilas ginitla ang Lady Bulldogs

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pani­­ni­lat ng Davao Lady Agilas na sinabayan pa ng ma­tibay na paglalaro ng Ate­neo Lady Eagles sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi pa rin nawawala ang tibay ng dibdib na masisilayan sa guest team na Lady Agilas nang ta­pusin nila ang pagtahol ng nagdedepensang Natio­nal University, 25-20, 30-28, 14-25, 32-30, pa­na­lo sa unang laro.

Ibinagsak ni May Agton ang lahat ng 21 puntos sa atake, habang sina Jo­cemer Tapic, Venus Flo­res at Mae Antipuesto ay naghatid ng 13, 12 at 10 pun­tos upang lumawig sa tatlong sunod ang pagpapanalo ng Lady Agilas sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang huling kill mula kay Agton ang nagpatab­la sa iskor sa huling pagkakataon, 29-29, bago bu­mutata si Antipuesto pa­ra maibigay sa Lady Agilas ang match point na hindi nasayang dahil sa error ng Lady Bulldogs sa huling ata­ke.

Tinapos ng NU ang la­ro sa Group B bitbit ang 4-1 karta, habang ang Da­vao ay nakatiyak na ng pu­westo sa quarterfinals sa nakuhang malaking pa­nalo.

Sinamantala ni Miren Ge­quillana ang playing time na ibinigay sa kanya nang pangunahan ang 25-16, 25-18, 25-13 panalo sa St. Louis University Lady Navigators sa ikalawang laro.

May 12 puntos si Ge­quillana sa 8 attack points, 2 aces at 1 block, habang ang guest player na si Bea De Leon ay may 8 puntos at naghatid ng 14 puntos sina Michelle Morente at guest player Jhoanna Ma­garinot para tapusin ng La­dy Eagles ang laro sa Group A sa 4-1.

Show comments