MANILA, Philippines - Sasandalan ng Davao Lady Agilas ang magandang panalo sa huling laÂro upang tumatag pa ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Katipan ng Lady AgiÂlas ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas sa alas-2 ng hapon bago sundan ng bakbakan ng St. Louis Lady Navigators at St. Benilde Lady Blazers sa alas-4.
Sa paghablot ng ikalaÂwang dikit na panalo ng Lady Agilas sa ligang inorÂganisa ng Sports ViÂsion katuwang ng ShaÂkey’s ay aangat din sila sa ikalawang puwesto sa Group B.
Asahan na gagawin ng Lady Altas ang lahat ng makakaya para pigilan ito at panatilihing buhay ang kampanya sa torneng may ayuda ng Mikasa, AcÂcel at Tiger Lion Mosquito Coil.
Hindi pa nananalo maÂtapos ang tatlong laro ang Perpetual Help at ang ikaÂapat na sunod na kabiguan ang tuluyang magÂpaÂpatalsik sa koponan daÂhil apat na sa Group B ang may dalawang panaÂlo.
Angkinin ang huling tiÂket sa quarterfinals sa Group A ang nakaumang sa Lady Blazers kung mananaig sa Lady Navigators.
Papasok ang St. Benilde sa laro mula sa pagÂkatalo sa Arellano LaÂdy Chiefs at Ateneo LaÂdy Eagles ngunit mas piÂnapaboran na manalo sa LaÂdy Navigators na taluÂnan sa kanilang unang tatÂlong laro.
Ang Lady Chiefs (4-1), Lady Eagles (3-1) at Adamson Lady Falcons (3-1) ay nakapuwesto na sa quarterfinals.