Puwestuhan sa quarterfinal round: It’s complicated

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magpupuwestuhan para sa quarterfinal round ng 2014 PBA Commis­sio­­ner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng nagde­depensang Alaska ang San Mig Coffee sa ganap na alas-3 ng hapon kasu­nod ang salpukan ng Rain or Shine at Barangay Gi­nebra sa alas-5:15.

Ang Talk ‘N Text, wi­nalis ang elimination round, at San Miguel Beer ang tanging dalawang koponang nakakuha na ng posisyon bilang No. 1 at No. 2 teams, ayon sa pag­ka­kasunod.

Magbibitbit sila ng ‘twice-to-beat’ incentive kon­tra sa No. 8 at No. 7 squads sa quarterfinals.

Sa laro naman ng apat na koponan sa pagtatapos ng eliminasyon, ang kaso ng Gin Kings ang pinakasimple.

Kapag nanalo sila sa Elasto Painters ay ma­kaka­mit nila ang No. 7 seat at makakasagupa ang Beer­men sa quarterfinals, ha­bang ang kabiguan ang mag­huhulog sa kanila sa No. 8 katapat ang Tropang Texters.

Ipaparada ng Ginebra si two-time Best Import Gabe Freeman, ang ka­nilang ikatlong import nga­yong torneo ma­tapos sina Leon Rodgers at Josh Powell.

Bukod sa San Miguel Beer, si Freeman ay naka­paglaro rin para sa Barako Bull sa PBA at sa Beermen sa Asean Basketball League (ABL).

Hangad naman ng Rain or Shine na makuha ang No. 6 sa quarters.

“We’re trying to get ourselves out of the se­venth, eighth places. This gives us a good chance to do that,” sabi ni coach Yeng Guiao matapos ang 87-72 panalo ng kan­yang Elasto Painters kontra sa Air21 Ex­press noong na­ka­raang Lu­nes.

Sa lower bracket ay la­labanan ng No. 3 ang No. 6 at haharapin ng No. 4 ang No. 5 sa kani-ka­ni­lang best-of-three series.

Posible namang ma­la­gay ang Aces sa No. 3, 5 o 6 na magiging depende sa re­­sulta ng kanilang laro la­ban sa Mixers at sa ka­hi­hinatnan ng banggaan na­man ng Elasto Painters at Gin Kings.

Maaari namang maupo ang San Mig Coffee sa No. 4, 5 o 6 na depende din sa magiging resulta ng kanilang salpukan ng Alaska.

Nasa isang four-game win­ning streak ngayon ang Aces kumpara sa Mi­xers, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, na nahulog sa isang two-game losing slump matapos ang 3-0 pa­nimula sa torneo.

 

Show comments