Benefit races itatanghal ng Philracom sa San Lazaro

MANILA, Philippines - Dalawang Philippine Racing Commission (Phil­racom)-Divine Mercy Program Trophy Races ang mag­papasigla sa karerang nakahanay ngayon sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite

Sa race two at three gagawin ang mga benefit ra­ces na ito at ang makikinabang ng kikitain ng karera ay ang Philippine Foundation for Health and Develop­ment,. Inc.

Parehong inilagay ang karera sa 1,400-metro dis­tan­sya, ang mananalo ay mag-uuwi ng P150,000.00 gua­ranteed prize na ibibigay ng Philracom.

Ang mga kasali sa unang benefit race ay ang Smart Code (RM Ubaldo), Calabar Zone (JA Guce), Game Changer (PR Dilema), Husso Porte (EG Reyes), Jade Avenue (JG Guerra), Go Ada Go (CS Pare) at Ambertini (RG Fernandez).

Sariwa sa pangalawang puwestong pagtatapos ang Calabar Zone noong Abril 1 pero inaasahang bibigyan ito ng magandang laban ng Amberdini.

Nagpatala naman ang mga kabayong C Bisquick (CS Penolio), Royal Gee (MA Alvarez), Naugh Naugh (JB Hernandez), Sil­ver Star (SG Vacal), King Ramfire (RG Fer­nan­dez), Power Factor (CS Pare), Royal Jewels (FA Tuazon), Mucho Oro (YL Bautista), Homerun Queen (CJ Reyes) at Yellow Citizen (JL Paano).

Tatlong sunod na se­gundo puwesto ang ti­na­pos ng Power Factor pa­ra ipalagay na may ka­kayahan na manalo, habang ang Royal Jewels at nagbabalik Naugh Naugh ang posibleng makatunggali nito.

Mainitan din ang la­ba­nan sa Race four na isang 3YO Maiden race at ang mananalo ay may P10,000.00 gantimpala.

Ang Wow Pogi, Tobruk at Director’s Diva ang mga hinuhulaan na magbabakbakan sa ka­rerang inilagay sa 1,400-metro.

 

Show comments