MIAMI - Sa nakaraang anim na linggo ay nagmukhang hindi mga NBA title contenders ang India-na at Miami.
Natalo ang Heat ng 11 sa kanilang huling 21 laro.
Sa 20 laban ay walo lamang ang naipanalo ng Pacers.
Ngunit malayo pa rin sila sa kanilang mga ka-grupo sa Eastern Conference standings.
Maghaharap sila para makalapit sa No. 1 seed patungo sa NBA playoffs kung saan lamang ang Indiana (54-25) sa Miami (53-25).
“It’s going to be intense,†sabi ni Heat forward Chris Bosh. “It’s going to be a hard-fought game. There’s something at stake. It’ll pretty much be the playoffs and I think it’ll be a great atmosphere. ... We expect them at their best. Everybody we play, we expect them at their best because that’s what we get.â€
Walang team ang makakakuha ng top seed ngunit ang mananalo ang magkakaroon ng control.
Tatalunin ng Indiana ang Miami sa tiebreakers kung kakailanganin kaya kung mananalo ang Pacers, isang panalo na lang ang kanilang kailangan para makopo ang East top seed.
Lalamang naman ang Miami ng half-game kung sila ay magtatagumpay bukod pa sa mabibigyan nila ng panibagong dagok ang Pacers.
Napahiya ang Atlanta noong Linggo sa kanilang home court para iupo ni coach Frank Vogel ang kanyang starting five sa buong laban ng Indiana nitong Miyerkules sa Milwaukee.
Tinalo ng Pacers reserves ang NBA worst team, 104-102, na sinabayan ng pagkatalo ng Miami sa Memphis para umangat uli ang Indiana.