LAS VEGAS - Ang kanyang rematch kay Timothy Bradley ang magiging ika-15 pagkakataon na lalaban si Manny Pacquiao dito sa siyudad kung saan maraming maaaring mangyari.
Ito ang kanyang pang-15 laban dito matapos noong Hunyo 23, 2001 bilang isang late replacement na nagpagtumba kay IBF super-bantamweight champion Lehlo Ledwaba.
Lumaban si Pacquiao, noon ay isang bata at payatot na boksingero pa, sa undercard ng laban ni Oscar dela Hoya. Walang nakakilala sa kanya noon.
Ang kanilang 12-round bout ni Bradley para sa WBO welterweight title ng huli ang magiging ika-10 pagkakataon ni Pacquiao sa MGM Grand kung saan niya naipanalo ang ilan sa malalaki nilang laban.
Ang Las Vegas o MGM ay ang ikalawang tahanan ni Pacquiao.
Ngunit nasa kanyang magarang suite sa 61st floor ng Mandalay Bay, sinabi ng 35-anyos na boxing legend na tila ito ang una niyang laban.
At nakita sa kanyang mukha ang pananabik.
“It feels like when I was starting out and I wanted to become a world champion,†ani Pacquiao.