Quarterfinal slot nais siguruhin ng Arellano

MANILA, Philippines - Pagbabalakan ngayon ng Arellano University Lady Chiefs ang maipasok ang koponan sa quarterfinals sa pagbangga sa wala pang panalong St. Louis Lady Navigators sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ikaapat na sunod na panalo ang  matutuhog ng Lady Chiefs sakaling pabagsakin ang St. Louis sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.

Ikatlong sunod na panalo ang nakataya sa nagdedepensang kampeong National University Lady Bulldogs sa pagsagupa sa San Sebastian Lady Stags sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Mapapalaban ang Lady Bulldogs sa Lady Stags na hanap ang makakalas sa three-way tie sa ikalawang puwesto sa 1-1 baraha sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Galing ang Baste mula sa five-sets panalo sa NCAA champion Perpetual Help para maka-bawi matapos matalo sa FEU sa unang asignatura.

Hindi pa malaman kung makakabalik na mula sa ankle injury ang spiker na si Gretchel Soltones pero magiging palaban pa rin ang Lady Stags kung gagana ang mga laro nina Czarina Berbano, Ryzabelle Devanadera at Maruja Banaticla.

Sina Dindin at Jaja Santiago ang tiyak na magdadala ng laban sa National U upang ilapit pa ang team sa pangunguna sa Group B sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Babalikatin ang laban ng Lady Chiefs nina Dana Henson, Christine Joy Rosario at Elaine Sagun para lumapit sa isang laro tu-ngo sa sweep sa Group A.

Umaani ng atensyon si Henson dahil siya ang nasa ikalimang puwesto sa sco-ring list sa 40 puntos mula sa 33 kills at pitong aces habang si Rosario ay nasa ika-10 puwesto bitbit ang 34 puntos mula sa 24 kills, 9 blocks at isang ace.

Dahil sa dalawang ito, ang Arellano ay number one sa best spikers sa 38.38 success rate at tinalo pa nila ang mas mala-laking National University na may 36.44 success rate para malagay sa ikalawang puwesto.

 

Show comments