Win No. 2 puntirya ng3 koponan sa V-League

MANILA, Philippines - Patatatagin ng Natio­nal University at ng Ate­neo ang paghahabol sa pu­westo sa susunod na yugto sa pag-asinta ng ika­lawang sunod na pana­lo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang ang nag­dedepensang kampeong NU Lady Bulldogs kontra sa UST Tigresses ngayong alas-2 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Ateneo Lady Eagles at ng Arellano Lady Chiefs sa alas-4.

Pakay din ng Lady Chiefs ang maisulong ang 2-0 karta sa Group A kung tatalunin ang Lady Eagles sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Single round robin ang magaganap sa group eli­mination at ang ma­ngu­ngunang apat na ko­ponan ang aabante sa quar­ter­finals, habang pahi­nga na ang mangungulelat na da­lawang teams.

Pinabagsak ang ha­mon ng Adamson, 25-19, 18-25, 25-23, 26-24, ang Ateneo ay sasandal muli sa tikas nina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, Michelle Morente, Ella De Jesus, Julia Morado at Dennice Lazaro.

Show comments