MANILA, Philippines - Tumakbo taglay ang pinakamabigat na handicap weight ang Classy And Swift ngunit hindi ito nakasira sa hanap na panalo na nangyari noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si Mark Alvarez pa rin ang gumabay sa nasabing kabayo na binigyan ng
58-kilos handicap weight sa Special Handicap Race at pinaglabanan sa
1,500-metro distansya.
Unang panalo ito Âmatapos ang magkasunod na pangaÂlawang puwestong
pagtatapos ng Classy And Swift at ikalawang panalo sa taon matapos
kunin ang Philracom Imported/Local Challenge race noong Enero.
Pangalawang takbo rin ito ng Classy And Swift sa buwan ng Marso at
nakabawi si Alvarez sa pagkatalo sa Tensile Strength sa second leg ng
Imported/Local Challenge na ginawa sa mas mahabang 1,750-metro
distansya.
Ang Sulong Pinoy na hawak ni Jessie Guce at binigyan din ng 58-kilos
handicap weight ang siyaÂng pumangalawa bago tumawid ang Brite Olympian
ni Louie Balboa.
Lumabas na pinakaÂliyamadong kabaÂyo na nagwagi sa gabing ito ang Classy
And Swift matapos maghatid ng P6.50 ÂhaÂbaÂng ang forecast na 4-6 ay
nagkahalaga ng P16.50.
Kuminang pa si Alvarez sa pistang pag-aari ng Manila Jockey Club Inc.
dahil naipanalo rin nito ang Elusive Ride sa huling karera na race
eight.
Isang 3YO and Above maiden race ang karera na pinaglabanan sa
1,400-metro karera at nakita na gamay ni Alvarez ang Elusive Ride
matapos makuha ang panalo.
Ang napaborang Jaden Dragon na hawak ni Pat Dilema at nanalo sa Novato
race noong Marso 1, ay pumang-apat lamang sa karera na kinakitaan ng
full-gate.
Nakapanggulat ang Good Copy ni Karvin Malapira para madehado ang
forecast na 6-11 sa ÂipinaÂmaÂhagi na P709.50 dibidendo. Ang win ay namigay ng P30.50.
Isa pang hinete na may dalawang panalo ay si appÂrentice rider JL Paano
na nangibabaw sa mga kabayong ImmaÂculate sa race three at King Mammoth
sa race seven.
Parehong hindi paborito ang dalawa para mapasiÂya ang mga dehadista na
kumabig ng P36.00 sa win ng Immaculate at P23.00 sa King Mammoth.