DEERFIELD, Ill. – Sinabi ni Chicago Bulls coach Tom Thibodeau na nakikibahagi na si Derrick Rose sa non-contact drills sa kanyang ginagawang recovery mula sa ikalawa niyang major knee injury.
Sinabi rin ni Thibodeau sa mga reporters sa practice nitong Miyerkules na ang dating MVP point guard ay hindi na lalaro uli ngayong season bagay na ilang ulit na sinabi ng team sapul nang bumagsak si Rose.
Napunit ang meniscus ni Rose sa kanyang right knee sa Portland noong November at napagdesis-yunan ng Bulls na hindi na siya puwedeng lumaro ngayong season. Hindi na lumaro si Rose noong nakaraang season dahil sa pagrerekober mula sa ope-rasyon kung saan inayos ang kanyang napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.