MANILA, Philippines - Hindi muna nagbigay ng komento si PATAFA president Go Teng Kok sa desisyon ng Philippine Sports Commission (PSC) na tinuluyang tanggalin ang buwanang sahod na ibinibigay sa mga national coaches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.
Si Sy ay hindi na rin puwedeng makita sa loob ng mga pasilidad na pinangangasiwaan ng PSC matapos mapatunayan na hawak niya ang mga ATMs ng national athletes na may utang sa kanya.
“The PATAFA respects the decision but only for now,†wika ni Go sa isang text message.
Aminado si Go na mabigat sa kanyang kalooban ang ginawang desisyon kina Sy at Hamero lalo pa’t ang atlhletics team ang lumabas bilang produktibong NSAs sa 2013 Myanmar SEA Games sa hinakot na anim na gintong medalya.
“My two coaches have been part of PATAFA’s success through the years. And it is with heavy heart that we received the verbal news of the PSC investigation,†dagdag ni Go.
May isasagawang sa-riling imbestigasyon ang NSA sa akusasyon kina Sy at Hamero at kapag natapos ito ay saka lamang maghahayag ang asosasyon ng kanilang susunod na hakbangin.
Matatandaan na itina-laga ni Go ang negosyante at sportsman na si Alberto Lina bilang chairman ng komite na kinabibilangan din nina Atty. Heherson Simpliciano at dating fencing president Atty. Toto Africa. (AT)