MANILA, Philippines - Tinapos ng Barako Bull ang kanilang tatlong dikit na kamalasan matapos lusutan ang San Mig Coffee, 92-90, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pinamunuan nina import Josh Dollard, Willie MilÂler at Ronjay Buenafe ang pagbangon ng Energy Cola mula sa isang 16-point deficit sa third quarter para ipatikim sa Mixers ang una nitong kabiguan.
Samantala, habang punÂtirya ng Meralco ang kaÂÂnilang ikalawang sunod na panalo ay mag-uunaÂhan namang makabangon mula sa kani-kanilang kaÂbiguan ang tatlo pang koÂpoÂnan.
Sasagupain ng Bolts ang Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang banggaan ng Ginebra Gin Kings at Air21 Express sa alas-8 ng gabi sa Big Dome.
Barako Bull 92 - Dollard 32, Miller 19, Intal 10, Marcelo 7, Deutchman 6, Pennisi 6, Fortuna 5, BueÂnafe 5, Wilson 2, Lastimosa 0, Peña 0, Miranda 0.
San Mig Coffee 90 - Mays 20, Devance 17, Simon 16, Yap 12, Barroca 10, Pingris 8, Melton 3, Sangalang 2, Reavis 2, Mallari 0.
Quarterscores: 18-26; 49-47; 62-78; 92-90.