MANILA, Philippines - Determinadong pabagsakin ni Filipino world light flyweight title-holder Donnie ‘Ahas’ Nietes si Mexican mandatory challenger Moises Fuentes sa kanilang rematch sa Mayo 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Talagang gusto ko siyang ma-knockout kapag may time,†deklarasyon kahapon ng 31-anyos na si Nietes sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.
Idedepensa ni Nietes (32-1-4, 18 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) light flyweight crown laban kay Fuentes (19-1-1, 10 KOs) sa kanilang rematch.
Nauwi sa draw ang unang pagkikita nina Nietes at Fuentes noong Marso ng nakaraang taon sa Cebu City.
Bilang paghahanda kay Fuentes ay nagsanay si Nie-tes sa United States.
“Maganda ‘yung na-ging training ko sa US. Naka-sparring ko ‘yung ilang dating world champions kagaya ni Giovanni Segura,†wika ni Nietes. “Handang-handa na ako sa rematch namin ni Fuentes.â€
Matapos ang draw kay Fuentes noong Marso ng 2013 ay pinatulog ni Nie-tes si Sammy Gutierrez noong Nobyembre ng nasabi ring taon. Samantalang tatlong beses naman lumaban si Fuentes.
Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na isusugal ng tubong Murcia, Negros Occidental na si Nietes ang kanyang WBO title matapos magkampeon noong 2011 laban kay Mexican Ramon Garcia Hirales. (RCadayona)