MANILA, Philippines - Tiniyak ni American world welterweight titlist TiÂmothy Bradley, Jr. na hindi mangyayari ang hinahaÂngad na pagpapatumba sa kanya ni Manny Pacquiao sa kanilang rematch.
Sa panayam ng The Desert Storm, sinabi ni Bradley na kailangan muna siyang ‘patayin’ ni Pacquiao baÂgo maagaw sa kanya ang suot niyang World Boxing OrÂganization (WBO) welterweight crown.
Tinalo ni Bradley si Pacquiao mula sa isang konÂtroÂbersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“I’m telling you I’m ready to go,†sabi ng 30-anyos na American fighter. “I’m so fired up, I’m so determined, Manny Pacquiao gotta kill me to stop me.â€
Nakatakda ang rematch nina Pacquiao at Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand.
Ayon kay chief trainer Freddie Roach, halos dinomina ng 35-anyos na Filipino boxing superstar ang kaÂnilang unang laban ni Bradley.
Nabigo lamang si Pacquiao na mapabagsak si BradÂÂley.
“The first fight with Bradley was so easy for Manny that after six rounds he just took it easy on him. Not this time. Our Mantra is ‘Close the show. No mercy,’†sabi ni Roach.
Ayaw naman ni Bradley na ikumpara ang naturang laban sa kanilang ikalawang pagkikita ni Pacquiao.
“Don’t show no compassion. Don’t show me none of that,†ani Bradley.
“I want the best Manny Pacquiao in the world. I want to fight the best. I want to put on a great show for all the fans on pay-per-view. I want to beat him, I want to put on a great show and I want to get what I didn’t get in the first fight, and that’s the credit I beat Manny Pacquiao,†dagdag pa nito.
Sa inaaashang muling paggamit ni Bradley ng ‘hit-and-run tactic’, dapat mas maging agresibo si Pacquiao kung nais nitong mabawi ang kanyang dating hawak na WBO welterweight belt.
“We are training for big game in this fight. Manny knows he is going to have to hunt Bradley down and close the show this time,†wika ng 54-anyos na si Roach.