Landry next season na lalaro

SACRAMENTO, Calif. -- Inihayag ng Sacramento Kings na inaasahan nilang makaka-recover si power forward Carl Landry para sa susunod na season matapos sumailalim sa isang arthroscopic surgery sa kanyang kanang tuhod.

Inihayag ng koponan na si Dr. David Altchek ang nagsagawa ng surgery kay Landry sa New York.

Lumagda si Landry ng isang $26 million, four-year contract sa Kings noong Hulyo matapos tulungan ang Golden State Warriors na makapasok sa second round ng playoffs noong nakaraang taon.

Show comments