MANILA, Philippines - Lilipat ng pugad si dating Adamson Falcons coach Leo Austria sa kanyang pagtanggap ng trabaho sa University Athletics Office ng Ateneo Blue Eagles.
Sinabi ni Ateneo athletics director Ricky Palou na magsisimula si Austria sa April 1 pero nilinaw niyang hindi siya ang magiging bagong coach ng Eagles.
“He’ll be helping the sports development prog-ram of my office, so he’ll be looking at all the different sports, sitting down with program heads and coaches and see what we can do to improve it,†sabi ni Palou.
Iniwan ni Austria ang Adamson pagkatapos ng Season 76 na tumapos ng kanilang pitong taong pagsasama tampok ang Final Four appearance ng Falcons sa men’s basketball, dalawang taon na ang nakakaraan.
Pinalitan siya ng kapwa niya dating PBA star at AdU alumni na si Kenneth Duremdes.
Bahagi ng trabaho ni Austria ang mag-i-scout ng players para sa AdMU.
“We’ll also ask him to help look around, marami rin namang contact si coach Leo so he should be able to help us in recruitment,†sabi ni Palou.
Kung uupo si Austria bilang coach ng Eagles paglaon… “We have no plans for that right now because right now, we’re looking at him helping us improve our different programs,†ani Palou.
Samantala, makukuha lamang uli ng Ateneo ang Thailand volleyball coach na si Anusorn Bundit kung siya ay papayagan ng Thailand Volleyball Association para magdepensa ng mga bagong women’s volleyball champions na Lady Eagles.
“We’ll have to deal with the Thailand Volleyball Association because he’s connected with them. May mga project sila and I think they’re looking at making him handle development,†sabi ni Palou.