MANILA, Philippines - Inihayag ng World Boxing Organization na ang mananalo sa rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley ay magdedepensa ng kanyang WBO welterweight title kontra sa magwawagi sa banggaan nina Juan Manuel Marquez at Mike Alvarado.
Nakatakdang idepensa ni Bradley ang kanyang WBO welterweight crown kontra kay Pacquiao sa Abril 12, habang makakalaban naman ni Marquez si Alvarado sa Mayo.
Sa isang report ni Michael Readman ng On The Ropes Boxing Radio, kinumpirma ni WBO pre-sident Paco Valcarcel na ang Marquez-Alvarado fight ay isang WBO eliminator fight.
“So the winner between Marquez and Alvarado gets to fight the winner of the Pacquiao-Bradley fight,†sabi ni Valcarcel.
Haharapin ni Marquez si Alvarado sa Mayo 17 at kung mananalo si Pacquiao kailangan uli niya itong harapin.
Nagbago ang isip ni Marquez at sinabing payag na siyang muling labanan si Pacquiao sa ikalimang pagkakataon, ngunit kung ito ay para sa world title lamang.
Nauna nang tinanggihan ng Mexican na mu-ling labanan ang kanyang Filipino rival.
Gustung-gusto naman ni Pacquiao na sagupain si Marquez matapos siyang patulugin noong Disyembre ng 2012.
Hangad ni Marquez na maging kauna-unahang Mexican boxer na nanalo ng limang world titles sa limang magkakaibang weight divisions.
Sa kanilang unang paghaharap ni Bradley ay lumasap si Pacquiao ng split decision loss noong November 2012.
Kailangang harapin uli ni Marquez si Pacquiao kung mananalo ang Pambansang Kamao laban kay Bradley.