Grende, Wushuang ‘di mapigilan

MANILA, Philippines - Patuloy sa pananalasa sina Unheralded Tami Grende ng Indonesia at Zheng Wushuang ng China upang makasulong sa girls’ division quarterfinals ng 25th Mitsubishi International Junior Tennis Cham-pionships na ginaganap sa Rizal Tennis Center.

Sinibak ni Grende, No.158th sa mundo, si eighth seed Freya Christie ng Great Britain, 5-7, 6-0, 6-2, habang si Zheng na No.183rd lamang ang gumulantang kay No. 12 Plobrung Plipuech ng Thailand sa kanyang 6-2, 7-6 (5) panalo.

Nauna nang nanalo sina Grende kay No. 10 Lizette  Cabrera ng Australia, 6-2, 6-3 at No. 7 Olivia Tjandramulia, 5-7, 6-1, 6-2.

Susunod na lalabanan ni Grende ang mananalo sa pagitan nina No. 4 You Xiaodi ng China at Raveena Kingsley ng United States habang sasagupain ni Zheng ang mananalo kina No. 2 Greetje Minnen ng Belgium at No. 14 Gloria Liang ng Canada, kahapon.

Ginulantang din ni Rhett Purcell si No. 5 Chung Yunseong, 3-6, 6-3, 6-3 matapos silatin sina No. 11 Alexander Klintcharov ng New Zealand, 6-0, 6-2 at makakasagupa niya si Mandresy Rakotomala ng France.

 

Show comments