Hari ng Yambo nangunguna

MANILA, Philippines - Dahil sa panalo sa Freedom Cup, tnalagay ang kabayong Hari Ng Yambo sa ­unang puwesto sa hanay ng mga pangarerang kabayo matapos ang buwan ng Pebrero.

Kumabig ang ­naturang kabayo ng P800,000.00 gantimpala sa tampok na karera na itinaguyod ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO) noong nakaraang buwan para lumawig sa nangungunang P992,977.19 ang premyong napanalunan ng 2011 Triple Crown leg winner matapos ang tatlong takbo.

Nasa ikalawang puwesto ang wala pang talo matapos ang limang takbo na Karapatan habang ang Dainty Ankles na may lima ring panalo, ang nasa ikatlong puwesto.

Kumabig na ng P709,372.13 premyo ang Karapatan kahit isang karera lamang ang sinalihan sa buwan ng Pebrero habang ang Dainty Ankles na mayroon ding isang tersero puwestong pagtatapos, ay kumabig na ng P695,841.24 gantimpala.

Ang Gross Income na siyang nanguna sa buwan ng Enero, ay nalaglag sa ikalimang puwesto kasunod ng Basic Instinct.
Nagkamal na ang Basic Instinct ng P671,610.05 premyo sa dalawang panalo, isang segundo at dalawang tersero puwes­tong pagtatapos habang ang Gross Income ay may P653,172.19 premyo sa apat na panalo, isang segundo at dalawang terserong pagta­tapos.

Kinumpleto ang una­ng sampung puwes­to sa talaan ng mga ­kabayong  Â­Super Charge na mayroong P629,791.17 premyo (3-4-0-0), Snake Queen sa P611,536.33 premyo (4-1-0-0), Airway sa P608,454.25 (4-1-1-0), ang PCSO Special Maiden Race champion Tan Goal sa P600,000.00 (1-0-0-0) at Seni Seviyorum sa P592,579.22 (2-4-3-1).

Ang 3-year old filly na  Bahay Toro ay nasa ika-19th puwesto bitbit ang P492,115.51 sa 1-2-1-0 baraha. Nadagdagan ang nasabing kabayo na ina­asahang palaban sa 2014 Triple Crown ng P112,500.00 matapos pumangalawa sa  Up And Away sa second leg ng 3YO Local Filly race ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang Up And Away ay nasa ikta-38th puwesto sa buwan ng Pebrero sa P412,500.00 premyo mula sa  isang panalo at isang segundo puwes­t­ong pagtatapos. (AT)

 

Show comments