MANILA, Philippines - Nabawi ni Nonito Donaire, nagmula sa panalo kay Vic Darchinyan, ang kanyang posisyon bilang isa sa mga top boxers ng bansa noong 2013 at nakatakdang parangalan sa 14th Gabriel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards sa Marso 25 sa Sofitel Hotel.
Nagwakas ang 12-year, 29-bout winning streak ni Donaire, naipanalo ang apat na title bouts noong 2012 at hinirang na WBO super bantamweight titleholder, nang matalo kay Cuban Guillermo Rigondeaux noong Abril ng 2013.
Umakyat ang ‘Filipino Flash’ sa featherweight division kung saan niya muling binigo si Darchinyan na una niyang pinabagsak noong Hulyo 7, 2007.
Pararangalan din sa Elorde Memorial Awards sina WBO lightflyweight titlist Donnie Nietes, IBF light flyweight champ Johnriel Casimero at WBO minimum weight titleholder Merlito Sabillo.
Nauna nang nailuklok si Manny Pacquiao, nanggaling sa isang 12-round unanimous decision win laban kay Brandon Rios, sa Elorde Hall of Fame.
Pangungunahan ni Pacquiao ang mga world, international at Philippine champions sa annual rites na idinadaos bilang paggunita kay Gabriel “Flash†Elorde na hindi napantayan ang seven-year-reign bilang world junior lightweight champion.
Ang special awards ay ibibigay din sa best referee (Bruce McTavish), promoter (Naris Singwancha), matchmaker, judge (Danrex Tapdasan), trainer , best amateur fighter (Mark Anthony Barriga), most promising fighter at best fight of the year.