TNT kinuha ang liderato

MANILA, Philippines - Isang panalo ang naging panimula ng Alaska para sa  pagtatanggol sa kanilang titulo, habang kinuha ng Talk ‘N Text ang liderato sa 2014 PBA Commissio­ner’s Cup.

Inangkin ng Tropang Texters ang liderato matapos lusutan ang Air21 Express, 95-91, habang tinalo ng Aces ang Globalport Batang Pier, 93-77, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kumolekta si import Richard Howell ng 28 points, kasama dito ang isang basket sa huling 22.3 segundo na naglayo sa Talk ‘N Text sa 93-89 abante matapos ma­kadikit ang Air21 sa 89-91 buhat sa dalawang free throws ni reinforcement Herve Lamizana.

Nagdagdag si Jayson Castro ng 22 markers para sa 2-0 baraha ng Tropang Texters kasunod ang 14 ni Jimmy Alapag at 12 ni Ranidel De Ocampo.

ALASKA 93 - Dozier 25, Jazul 18, Espinas 18, Casio 11, Baguio 7, Thoss 6, Hontiveros 4, Dela Cruz 2, Abueva 2.

Globalport 77 - Brock 21, Washington 14, Cabagnot 12, Romeo 11, Macapagal 8, Chua 5, Yee 3, Garcia 3, Nabong 0, Hayes 0, Salva 0, Salvador 0, Custodio 0.

Quarterscores: 23-15; 42-39; 65-67; 93-77.

TALK ‘N TEXT 95 - Howell 29, Castro 22, Alapag 14, De Ocampo 12, Carey 8, Williams 4, Reyes Ry. 3, Canaleta 2, Fonacier 1, Reyes Ro. 0, Aban 0, Baclao 0.

Air21 91 - Taulava 23, Lamizana 18, Borboran 10, Atkins 10, Yeo 9, Villanueva 7, Cardona 6, Manuel 4, Matias 2, Camson 2, Poligrates 0, Burtscher 0, Sharma 0.

Quarterscores: 27-20; 43-38; 66-62; 95-91.

 

Show comments